Home METRO Lalaki patay sa pagsagip sa kapatid na na-trap sa kweba

Lalaki patay sa pagsagip sa kapatid na na-trap sa kweba

MANILA, Philippines – Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos nitong sagipin ang 15-anyos na kapatid na babae na natrap sa loob ng Tubang Cave and Spring sa Bohol.

Sa ulat, naliligo sa bukal sa Barangay Danicop, Antequera, Bohol ang kapatid ng biktima kasama ang dalawa iba pa.

Nagdesisyon ang tatlo na pumasok sa kweba ngunit bigla na lamang tumaas ang tubig dahilan para hindi makalabas ang mga ito.

Bandang alas-8 ng gabi, nagawang makalangoy palabas ng kweba ang dalawang kasama ng babae.

Dahil naiwan pa sa loob ng kweba ang kapatid na babae ay nagdesisyon ang kuya nitong pumasok sa kweba at sagipin ito.

Sa kabila nito, nahirapan pa ring makalangoy palabas ng kweba ang babae kung kaya’t lumangoy na lamang ito pabalik sa kweba.

Sa kasamaang palad ay naiwan sa ilalim ng tubig ang biktima na kalaunan ay nalunod at namatay.

Nasagip ng rescue team ang babae. RNT/JGC