Home METRO Lalaki patay sa saksak ng mister ng inaway na misis

Lalaki patay sa saksak ng mister ng inaway na misis

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng mister ng babaeng inaway nito sa Sitio Magyaman, Barangay Banilad, Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Teodoro Sosima Arabe.

Sa imbestigasyon, kinompronta ng suspek na si Christian, si Arabe matapos na magreklamo ang misis nito na sinaktan siya ng biktima.

Dito na kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima.

Nagawa pang mamagitan ni Sherwin Arabe, kaanak ni Teodoro, ngunit nasaksak din ito.

Dead on the spot si Teodoro habang dinala naman si Sherwin sa Apacible Memorial District Hospital.

Naaresto si Christian at nahaharap sa kaukulang kaso. RNT/JGC