Home METRO Lalaki patay sa suspek ng sinisingil sa utang

Lalaki patay sa suspek ng sinisingil sa utang

CEBU – Hindi na umabot pa ng Bagong Taon ang isang lalaking matapos na bayaran ng tingga ng baril ng suspek sa krimen na napag-alamang may utang sa biktima ng P3,000.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen sa mismong bakuran ng biktima na si Hermogenes Reyes, 55-anyos sa Talisay City, Cebu.

Sa kuha ng CCTV makikita na abala ang biktima sa paghahanda ng mga niyog na kakayurin nito pero habang nakatalikod ang biktima, dumating ang suspek.

May hawak itong timba kung saan doon pala nakatago ang baril at doon na pinaputukan ng ilang beses ang biktima.

Nagawa pa ni Reyes na makalingon at binato ng hawak niyang itak ang tumakbong suspek.

Nagawa namang sabihin ng biktima sa kanyang asawa kung sino ang salarin bago tuluyang bawian ng buhay.

Bago umano bawian ng buhay, nasabi ng biktima sa kaniyang asawa kung sino ang bumaril sa kaniya.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nagbebenta ng bibingka ang suspek at may pagkakautang umano ng P3,000 sa biktima.

Posibleng dahil sa galit sa paniningil ng biktima ay nagdilim ang paningin ng suspek na kasalukuyan pa rin ngayong tinutugis.  RNT

Previous articleCapiz most wanted nasakote!
Next articleSen. Tolentino namahagi ng aginaldo sa Pasay at Maynila