MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District ang motibo sa pagpatay sa isang 41 anyos na lalaki na pinagbabaril sa loob ng bahay sa Vitas, Tondo, Manila.
Nakilala ang biktima na si Resty Segurigan, residente ng Malaya Street, sakop ng Brgy. 125, Balut Tondo.
Sa imbestigasyon, dalawang hindi nakilalang salarin ang sangkot sa pamamaril kung saan nagsilbing gunman ang isa at back up o look out ang isa pa.
Pinasok umano ang bahay saka pinaulanan ng bala ang biktima.
Inaalam na rin ng pulisya kung may matinding nakaalitan ang biktima o ang sinasabing may kinalaman ito sa droga upang matukoy ang motibo ng pamamaril. Jocelyn Tabangcura-Domenden