Home METRO Lalaki pinagtataga ng kainuman sa Negros

Lalaki pinagtataga ng kainuman sa Negros

MANILA, Philippines – Pinagtataga hanggang mamatay ang 19-anyos na lalaki ng kainuman nito sa Sitio Kanyabaka, Purok Old Pinggot, Barangay Pinggot, Ilog, Negros Occidental nitong Huwebes, Enero 25.

Ayon sa ulat, hindi nagkaunawaan ang dalawa na nauwi sa pikunan.

Kinilala ang biktima na si Bonie Cordova ng Barangay Canlamay, Ilog.

Sinabi ni Police Major Joseph Partidas, Ilog police chief, na ang biktima at 24-anyos na suspek ay nag-iinuman kasama ang ilang kaibigan sa bahay ng suspek at nagdesisyon ang mga ito na maghanap ng palaka.

Ilang oras makalipas nito, umuwi ng bahay ang suspek dala ang bolo at sinabing pinagtataga niya ang biktima at iniwan sa gilid ng tubohan.

Nagtamo ng kabi-kabilang taga sa likod at leeg ang biktima.

Ani Partidas, posibleng nasangkot sa hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang suspek dahil nakainom ang mga ito nang maghanap ng palaka.

Pinaghahanap pa ang suspek. RNT/JGC

Previous articleMotor bumangga sa railings ng highway, intel cop patay
Next articlePaslit nilamon ng ilog