Home METRO Lalaki pinagtataga ng stepfather sa Palawan

Lalaki pinagtataga ng stepfather sa Palawan

MANILA, Philippines – Pinagtataga ng sariling amain ang 25-anyos na lalaki sa Barangay Inagawan Sub sa Puerto Princesa, Palawan sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Pinigilan lamang ng biktima ang away ng kanyang tiyuhin at suspek bandang ala-1 ng madaling araw.

Matapos ang away, pumasok ang suspek sa loob ng kwarto nito at dinampot ang bolo saka pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan bago tuluyang tumakas.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay. RNT/JGC

Previous articleTINGNAN: La Loma sa araw ng Pasko
Next article100 patay sa airstrike ng Israel sa Gaza sa araw ng Pasko