Home METRO Lalaki pinatay dahil sa cellphone sa Cebu

Lalaki pinatay dahil sa cellphone sa Cebu

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos ang tensyon dahil sa isang cellphone sa Cebu City.

Ayon sa ulat, nais ng suspek na kunin ang kanyang cellphone mula sa biktima ngunit naisangla na pala ito sa iba.

Dahil dito ay nagalit ang suspek kung kaya’t sinipa nito ang motorsiklo kung saan nakaupo ang biktima.

Kasunod nito ay binitbit pa ng suspek ang biktima saka ibinalibag sa sahig kung saan tumama ang ulo nito.

Sasaktan pa sana ng suspek ang biktima ngunit agad na nagtatakbo nang makita na dumudugo na ang ulo nito.

Agad na naaresto ang suspek matapos na ituro ito ng mga saksi.

“Na-hot pursuit operation ng ating kapulisan yung suspek sa serious physical injury na kaso na finile natin sa kanya. At hinatid sa police station para ma-filean ng kaso,” pahayag ni Police Major Mark Don Alfred Leanza, Cebu City Police Station 2 station commander sa panayam ng GMA News.

Nagsisisi naman ang suspek sa nangyari ngunit hindi ito makakatakas sa ihahaing kaso laban sa kanya dahil sa murder. RNT/JGC