Home HOME BANNER STORY Lalaki tiklo sa pagdukot sa 6 Chinese, 3 Pinoy sa Muntinlupa

Lalaki tiklo sa pagdukot sa 6 Chinese, 3 Pinoy sa Muntinlupa

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki na sangkot umano sa pagdukot sa anim na Chinese national at 3 Pinoy sa Muntinlupa City.

Sa pahayag ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, naaresto ang suspek na si alyas “Alfred” nitong Huwebes, Disyembre 28 sa Barangay Putatan.

Si Alfred umano ang nagmaneho ng sasakyan na ginamit sa pagdukot sa mga biktima.

Isang buwan minanmanan ng mga awtoridad ang suspek bago gawin ang operasyon.

“The AKG able to collate all information and revelation made by one of the witnesses in the said case as well as the other evidence pointing out the identity and role of the suspect in the tragic crime,” anang AKG sa pahayag.

Ang mga biktima ay dinukot noong Oktubre 30 sa kanilang tirahan sa Muntinlupa.

Pinakawalan ang tatlong Pinoy habang natagpuang patay naman ang apat na Chinese sa iba’t ibang lugar sa Rizal at Quezon noong Nobyembre.

Pinaghahanap pa ang dalawang Chinese na biktima.

Nahaharap sa kasong murder at carnapping ang suspek. RNT/JGC

Previous articleDrayber ng trak itinumba ng sekyu sa Maynila
Next article4 sugatan sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Bukidnon