Home METRO Lalaki timbog sa P7M shabu

Lalaki timbog sa P7M shabu

MANILA, Philippines – HINDI na nakapagbenta pa ng malaking halaga ng shabu ang isang lalaki matapos na mahuli sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Sampaloc, Maynila nitong Lunes ng gabi, Enero 15.

Naaresto sa buy bust operation ng MPD-Drug Enforcement Unit si Jason Danguecan y Trinidad, 25, residente ng Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal sa ikinasang buy bust operation sa P. Campa St, kanto ng A. Mendoza St., Sampaloc, Maynila.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang plastic bag ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa humigit-kumulang isang kilo at 50 gramo at nagkakahalaga ng P7,140,000.00

Dahil dito, isinailalim sa pagsusuri ang nakumpiskang shabu sa Forensic Unit ng MPD, at kung magiging positibo na droga ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 na walang inilaang piyansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Rene Crisostomo

Previous articleMaricel, nagpaliwanag sa pagbabalik-sitcom!
Next articleTennis: Eala reresbak sa India, bigo sa Australian OpenTennis: Eala reresbak sa India, bigo sa Australian Openv