Home METRO Lalaki todas sa palo ng palaboy sa Maynila

Lalaki todas sa palo ng palaboy sa Maynila

MANILA, Philippines – INABOT ng halos apat na araw bago binawian ng buhay ang isang lalaki sa pinagdalhang pagamutan, makaraang pagpapaluin ng kapwa palaboy, kamakailan sa Remegio Street, Barangay 332, Sta. Cruz, Manila

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 anyos ang biktima, payat, may tatoo sa kaliwang dibdib, nasa 5’0 ang taas, habang mabilis namang naka-eskapo ang suspek na nasa 45 hanggang 50 anyos; nasa 5’5 ang taas, may tattoo sa itaas na bahaging likuran, mahaba ang buhok, at walang pang itaas na damit.

Una nang naireport ang insidente sa nasabing lugar, ng bandang 10:15 ng gabi, noong Disyembre 2.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga tauhan ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez Police Community Precinct at isinagawa ang isang manhunt operation sa ikalulutas ng kaso, subalit bigo ang pulisya na matunton ang tumakas na suspek.

Disyembre 7, ng taong kasalukuyan, dakong 10:35 ng gabi, nang bawian ng buhay ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center nang ideklara ni Dr. Wilfred Torre, Attending Physician.

Dito na inimpormahan si Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, upang isailalim sa imbestigasyon at malutas ang krimen. Rene Crisostomo

Previous articleBlood Samaritan Program pinaigting ng PRC
Next article11 mula sa UCC pumasa sa Bar Exams