Home METRO Lalaki umakyat sa poste, nasagip!

Lalaki umakyat sa poste, nasagip!

MANILA, Philippines – Maagap na nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang isang lalaki na umakyat sa poste ng kuryente sa Roxas Blvd., sa Maynila.

Depresyon umano ang dahilan kaya ito nangtangkang wakasan ang kanyang buhay matapos itong iwan ng kanyang misis.

Umakyat umano ang lalaki alas-12:27 ng Miyerkules ng tanghali sa poste malapit sa Punong Tanggapan ng Philippine Navy.

Agad na nagsagawa ng pakikipag-negosasyon ang mga rescuer para kumbinsihin na bumaba ang lalaki na kinilala sa pangalang Christopher, taga-Sariaya, Quezon.

Makalipas ang isang oras, nakumbinsi at bumaba ang lalaki saka dinala sa Ospital ng Maynila para ipagamot.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis, iniwan umano ng kanyang asawa ang lalaki dahil sa hirap ng buhay na naging dahilan naman ng pagkakaroon ng depression nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePista ng Sto. NiƱo sa Tondo, pinaghahandaan na!
Next articleResupply missions ng PCG sa mga outpost nito sa WPS, matagumpay!