Home METRO Lalaking biktima ng salvage, itinapon sa damuhan!

Lalaking biktima ng salvage, itinapon sa damuhan!

Bulacan – Isang bangkay ng hindi nakilalang lalaki na umano’y binalutan at ginapos ng tape ang natagpuan ng mga awtoridad sa madamong lugar sa bayan ng Pandi.

Sa report ng Pandi police, ang bangkay ng lalaki ay may taas na 5’3” hanggang 5’5”, small built, fair complexion, nakasuot ng gray T-shirt, black Jacket at blue short pants.

Ayon sa report, bandang alas-6:30 ng umaga nitong Martes, Hunyo 20, isang tawag ang kanilang natanggap na may bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Brgy. Real De Cacarong.

Dahil dito, agad rumesponde ang pulisya hanggang sa bumulaga sa kanila ang bangkay na pinalibutan ang ulo, kamay at paa ng duct tape.

May impormasyong duguan ang biktima dahil umano sa tama ng bala sa ulo at sinasabing posibleng itinapon lamang ang bangkay sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen. Dick Mirasol III

Previous articlePagluluwag sa licensure examinations, iginiit sa PRC
Next article3 bigtime tulak, arestado sa 7.2 kilo ng shabu