Home METRO Lalaking Cameroonian na nagpanggap na Pranses buking ng BI!

Lalaking Cameroonian na nagpanggap na Pranses buking ng BI!

MANILA, Philippines- Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Cameroon national na makapasok sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos nitong magpakilala bilang isang French citizen sa pamamagitan ng pagpapakita ng ninakaw na French passport.

Kinilala ng border control and enforcement unit (BCIU) ng BI ang pasahero bilang si Valentine Forkwa Mbanwei, 31, na dumating sa MCIA noong Nobyembre 20 sakay ng Singapore Airlines flight mula Singapore.

Iniulat ng BCIU na ang nasbaing African ay nagpakita ng isang French passport sa ilalim ng ibang pangalan.

Gayunman, ang kanyang pandaraya ay hindi nakalusot dahil nagrehistro ito ng isang Interpol hit na nagpapahiwatig na ang French passport ay iniulat na ninakaw at nawala ng may-ari.

Kalaunan ay inamin ng pasahero ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at ipinakita ang kanyang pasaporte sa Cameroon.

Dahil dito, hinarang si Mbanwei at hindi pinapasok sa bansa dahil sa maling representasyon, dahil sa hindi pagkakaroon ng entry visa, at dahil sa malamang na maging isang pampublikong singil.

Bilang resulta ng pandaraya, ang pangalan ni Mbanwei ay isasama sa blacklist ng BI, na nagbabawal sa kanya na pumasok sa Pilipinas.JAY Reyes

Previous articlePsychosocial responders idineploy para sa mga biktima ng lindol
Next articleKagawad, BJMP personnel timbog sa buy-bust