Home METRO Lalaking ‘high’ tumambay sa puno ng niyog

Lalaking ‘high’ tumambay sa puno ng niyog

MANILA, Philippines – Isang 32-anyos na lalaki ang umakyat at tumambay sa taas ng puno ng niyog ng mahigit 24 oras sa Barangay Panadtaran, Argao, southern Cebu.

Ayon sa pulisya, pinaniniwalaang high sa illegal na droga ang lalaki kaya ito umakyat sa taas ng puno.

Sinabi naman ng lalaki na may naghahabol sa kanya upang siya ay patayin.

Mismong mga kaanak nito ang nagsabi sa pulisya na lulong sa illegal na droga.

Nagsimulang umakyat ang lalaki sa puno bandang alas-10 ng gabi nitong Martes, Pebrero 20. Makikita na gulong-gulo ang lalaki at kinakausap ang sarili nang siya ay umaakyat sa puno.

Paulit-ulit na nakiusap ang mga kaanak at rescuer ngunit hindi ito bumaba dahil mayroon umanong limang tao ang nanghahabol sa kanya at balak siyang patayin.

Nagdesisyon ang lalaki na bumaba alas-8 ng umaga ng Huwebes, Pebrero 22.

Agad na dinala sa drug rehabilitation centre ang lalaki. RNT/JGC

Previous articleChinese Taipei isusunod ng Gilas
Next articleNBA: Mavs wagi vs Suns