Home METRO Lalaking kinuha ng puting van, natagpuan patay

Lalaking kinuha ng puting van, natagpuan patay

ARGAO, Cebu- MISTULANG basura na itinapon sa kalsada ang bangkay ng isang lalaki ng mga hindi pa kilalang suspek matapos isakay ng sa puting van nitong Martes, Pebrero 20 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Bret Owen Amolo, 29, binatay at residente ng Barangay Taloot, Argao City.

Batay sa report ng Argao City Police Station, bandang 8:20 AM nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng national highway na sakop ng Sitio Kabantoy, Barangay Sumaguan, Argao.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Benjie Garcia, isang mangingisda ang nakakita sa bangkay ng biktima, may tama ng bala ng baril sa ulo, nakabusal ng duct tape ang bibig habang nakagapos ang mga kamay at paa nito.

Kwento ng kapatid ng biktima, bago ang krimen, may tatlong lalaki ang nagtungo sa kanilang bahay at sapilitang isinakay sa puting van na walang plate number ang kanyang kuya (biktima).

Makalipas ang isang araw, nag-aalala na sila dahil hindi pa nakabalik ng bahay ang biktima kaya ipinagbigay-alam na nila ito sa pulisya.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip. Mary Anne Sapico

Previous articleEx-Army patay sa ganti ng mag-asawa sa Quezon
Next articleLTO sa colorum operators: We will drag you to court