Home METRO Lalaking lango sa alak nahulog sa ilog, patay!

Lalaking lango sa alak nahulog sa ilog, patay!

MANILA, Philippines – DAHIL sa matinding kalasingan, isang lalaki ang nasawi makaraang aksidente umanong mahulog sa river bank sa Barangay San Nicolas, Poblacion, Batangas.

Ang biktima ay natagpuan ng mga tauhan ng Coast Guard na walang malay na kaagad na binigyan ng lunas sa pamamagitan ng CPR subalit hindi pa rin nagkamalay ang biktima kaya napagdesisyunan na dalhin na ito sa Taal Polymedic Hospital.

Sa kabila nito, idineklarang patay na ang biktima na kinilalang si Lorenzo Bumad-ang, 30, tubo at residente ng Cambolo, Banaue, Ifugao.

Napag-alaman na ganap na alas-10 ng umaga nang magtungo ang biktima sa nasabing lugar para sa riprapping ng Taal Lake River Bank sa Barangay Poblacion San Nicolas Batangas, kasama ang katrabaho na si Jessrael Pinay-an kung saan umano ay nakainom ang biktima nang magtungo ito sa River Bank.

Nabatid sa ulat na kalahating oras na umano ang nakakalipas ay hindi pa rin bumabalik ang biktima ayon sa kasamahan nito (Pinay-an) kaya napilitang ipagbigay-alam sa mga tauhan ng Barangay at Coast Guard ang insidente.

Natagpuan ang biktima sa layong 10 metro mula sa Rivar Bank.

Samantala, nakahandang magbigay ng tulong pinansyal ang Municipal Engineer at Project Foreman sa pamilya ng biktima at pag-uwi sa Ifugao sa bangkay ni Bumad-ang, na hinihinalang pagkalunod ang ikinasawi ng biktima. Ellen Apostol

Previous articleDOLE magdaraos ng nationwide job fair sa Dis. 1 kasabay ng 90th anniv
Next article30 paaralan sa Belgium isinara sa bomb alert