MANILA, Philippines – Matapos ang apat na araw na paghahanap sa isang lalaki ay tumambad na lamang ang malamig nitong bangkay sa ilalim ng kanyang papag matapos na malunod pala sa baha na hanggang hita ang taas ng tubig sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Gerry Bautista, 51-anyos, residente ng Barangay Minien East.
Bago mangyari ang insidente, nakipag-inuman umano ang biktima sa mga kaibigan. Sa sobrang kalasingan inihatid na nila ito sa kanyang bahay at inihiga pa sa papag na nasa hanggang hita na baha.
Nadiskubre na lang ang bangkay ng biktima nang humupa na ang baha at hanggang sa may makapansin sa daliri ng paa na lumutang.
“Paghiga niya roon sa papag niya bali-baliktad siya. Tapos pagbaliktad niya nahulog sa tubig na hanggang sa hita,” anang ama ng biktima. RNT