Home METRO Lalaking nakipaglamay, todas sa nakaaway

Lalaking nakipaglamay, todas sa nakaaway

PANGASINAN-Todas ang isang lalaking nagpunta sa isang lamay matapos pagsasaksakin ng kanyang nakaaway sa Sitio Tococ, Brgy. Umanday, Bugallon  ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Bugallon Municipal Police Station ang biktima na si Manuel Pitite Sapigao, 52, may asawa, lugaw vendor, residente ng Romulo Highway, Brgy. Poblacion ng naturang bayan.

Nakilala naman ang suspek  na si Dennis Flores Victorio, 40, dating barangay kagawad, residente ng Brgy. Cabayaoasan, Bugallon, Pangasinan.

Ang biktima at ang suspek ay parehong nakikipaglamay sa isang patay sa naturang  lugar  nang magkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaintindihan.

Umalis umano ang suspek at nang bumalik ito ay bigla na lang nitong pinagsasaksak ang biktima gamit ang isang unidentified  bladed weapon.

Matapos na pagsasaksakin ang biktima ay agad na tumakas ang suspek  dala nito ang ginamit na bladed weapon.

Isinugod naman  sa Lingayen District Hospital sa Lingayen, Pangasinan  ang biktima ngunit hindi na nagawang isalba pa ng doktor. Rolando S. Gamoso

Previous article24 gamot sa cancer, diabetes, tb exempted sa VAT
Next articlePahayag ng PDEA na wala sa drug watch list si PBBM, kinontra ni Duterte