Home METRO Lalaking nanutok ng baril patay sa pulis

Lalaking nanutok ng baril patay sa pulis

DAVAO CITY- Hindi umubra ang tapang ng isang lalaki makaraang mabaril ng mga rumespondeng pulis matapos ireklamo ng panunutok ng baril ng kanyang kapitbahay nitong Sabado sa Isla Verde.

Kinilala ang nasawi na si Roy Casas, alyas Bobong, 47-anyos, ng Brgy. 26-C, Lizada Street, Davao City.

Batay sa report ng Sta Ana Police Station 1, bandang alas-9:55 ng gabi nang maganap ang krimen sa Purok 1, Open Canal, Brgy. 23-C, Isla Verde Davao City.

Ayon sa pulisya, nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang Alejandro Dela Cuesta para magreklamo hinggil sa ginawang panunutok sa kanya ng baril ng suspek.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa nasabing lugar at naabutan nila ang suspek kung saan sa halip na isuko nito sa pulisya ang bitbit niyang baril ay pinaputukan niya ang mga ito.

Napilitan namang gumanti ang mga awtoridad at tinamaan ito sa katawan na agad namang dinala sa ospital para lapatan ng lunas subalit nalagutan din ito ng hininga.

Nakapulot ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ng caliber .38 revolver at tatlong basyo ng bala. Mary Anne Sapico

Previous articleMga pribadong institusyon nangangamba sa ‘full foreign ownership’ sa edukasyon
Next articleSasakyan ng DA nahulog sa bangin, 2 sugatan