Home HOME BANNER STORY Lanao del Norte sa barangay officials: Magbantay sa banta ng terorismo

Lanao del Norte sa barangay officials: Magbantay sa banta ng terorismo

MANILA, Philippines – Nanawagan si Lanao del Norte Gov. Imelda Dimaporo sa lahat ng mga opisyal ng barangay sa bayan ng Munai, na suportahan ang militar sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng Islamic State-linked Dawlah Islamiyah (DI) militants.

Dumalo si Dimaporo sa pagpupulong ng municipal peace and order council nitong Biyernes, Pebrero 23 at nagsabi sa mga opisyal ng barangay na ang unang hakbang upang maiwasan nila ang pagkalat ng DI sa mga komunidad ay sa pamamagitan ng pagiging mapagmasid at alerto sa kanilang presensya.

Ani Dimaporo, kung ang bawat barangay ay magiging ‘functional’ madali umanong matutukoy ang galaw ng DI sa kanilang mga komunidad.

Matatandaan na naganap ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng DI noong Pebrero 18 na nagresulta sa pagkasawi ng anim na sundalo at tatlong militante.

Nagresulta sa mas maraming sagupaan ang ikinasang follow-up operations.

Nitong Huwebes, Pebrero 22, patay ang tatlo pang DI gunmen sa bakbakan laban sa mga sundalo sa barangay Matampay.

Kinailangan ilikas ang 46 pamilya sa mga kalapit na barangay ng Pelingkingan, Lindongan, at Somiorang sa bayan ng Tangcal dahil sa kaguluhan. RNT/JGC

Previous articleMga isyu sa LTMS pinuna ng ilang mambabatas
Next articleChinese Embassy sa Pilipinas: Ulat ng paninira ng China sa marine environment sa WPS, ‘di totoo!