Home NATIONWIDE Landbank exempted sa pagre-remit ng bahagi ng kinita sa gobyerno

Landbank exempted sa pagre-remit ng bahagi ng kinita sa gobyerno

MANILA, Philippines- Hindi kabilang ang Land Bank of the Philippines sa pagre-remit ng ilang porsyento o bahagi ng kinita nito noong 2022 sa national government.

Ito’y matapos tapyasin at gawing 0% ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dividend rate ng Land Bank.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 43 nito lamang Oktubre 11, ini-adjust ni Pangulong Marcos ang porsyento ng net earnings na idedeklara at ire-remit ng Landbank para sa Calendar Year 2022, na mula 50% ay ginawang 0%.

Taong 2022, nakapagtala ang Landbank ng net income na P30.06 billion, tumaas ng 38.2% mula P21.7 billion net earnings na naitala noong 2021.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7656, “all government-owned or -controlled corporations (GOCCs) are required to declare and remit 50% of their annual net earnings as cash, stock, or property dividends to the national government.”

Nakasaad pa rin sa kahalintulad na batas na ang Pangulo, sa naging rekomendasyon na rin ng Kalihim ng Departmnent of Finance, ay maaaring i-adjust ang porsiento ng annual net earnings na idedeklara ng GOCC, “in the interest of national economy and general welfare.”

Nakasaad sa EO 43 na “the Secretary of Finance has recommended the downward adjustment of the percentage of the net earnings that shall be declared by Landbank as dividends to the national government for Calendar Year 2022, in order to support the capital position of the Landbank, maintain its compliance with Bangko Sentral ng Pilipinas regulations on capital adequacy requirements, and expand its role in the economic recovery of industries adversely affected by the COVID-19 pandemic, in the interest of national economy and general welfare.”

Matatandaang, humingi ng “regulatory relief” ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines bilang seeder-funder ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Hiling ng LBP at DBP na hindi sumunod sa capital ceiling na ipinataw ng BSP sa mga tuntunin ng bank investment na maaring makaapekto sa kanilang capital.

Ayon kay BSP Governmor Eli Remolona Jr., kahit na nag-inject ng pinagsamang P75 bilyon sa MIF, sumusunod para rin ang dalawang bangko sa kinakailangang kapital.

Paliwanag pa ng BSP chief, maaaring pagbigyan sila pansamantala ng monetary fund pero sa pinagkasunduang panahon lamang.

Ang “forebearance” ay ipinagkakaloob ng BSP sa mga bangko para mabayaran ang loans o concession sa borrowers.

Ayon kay Remolona, dahil sa initial capital na ipinondo ng Landbank at DBP sa MIF, mababawasan ang kanilang equity na posibleng maglagay sa kanila bilang non-compliant sa capital requirement. Kris Jose

Previous articlePag-IBIG home loans sumampa sa ₱88.3B sa Q3
Next articleTulong para sa mga Pinoy na uuwi mula Israel, ipinahahanda ni PBBM