Home METRO Lasing na mister patay sa saksak ng misis

Lasing na mister patay sa saksak ng misis

LIPA CITY, Batangas – Patay ang isang 39-anyos na pintor ng kotse matapos na pagsasaksakin umano ng kanyang asawa matapos silang mag-away noong Huwebes ng gabi, Enero 11, sa Barangay 7, nitong lungsod.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Allan Buan.

Ayon sa imbestigasyon, lasing si Allan at kasama ang kanyang asawa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang magkaroon ng alitan.

Kumuha ng kutsilyo si Allan at sinunggaban ang kanyang asawa na nagawang ilihis ang pag-atake ngunit nasugatan sa braso.

Tinulak ni Michelle ang biktima na nahulog sa hagdanan. Nakuha ng suspek ang kutsilyo at sinaksak sa leeg ang kanyang mister na ikinamatay nito sa lugar.

Naaresto ng pulsiya ang suspek. RNT

Previous articleAlamin: Saradong daanan sa pista sa Pandacan
Next articleP43B kontrabando nasabat ng BOC sa 2023