MANILA, Philippines – Patuloy ang pag-alburuto ng Bulkang Mayon sa Albay na nagpapakita ng kaguluhan sa nakalipas na 24-oras na panahon, na nagresulta sa mga lava flow, rockfall events, pyroclastic density currents (PDCs) at volcanic earthquakes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Sabado.
“In the past 24-hour period, very slow effusion of lava from the summit crater of Mayon Volcano continued to feed lava flows and collapse debris on the Mi-isi (south) and Bonga (southeastern) gullies as well as rockfall and PDCs on these and the Basud (eastern) Gullies,” saad sa abiso ng PHIVOLCS.
Base sa datos, ang mga lava flow ay umabot sa humigit-kumulang 2,800 metro sa kahabaan ng Mi-isi gully at 1,300 metro sa kahabaan ng Bonga gully mula sa summit crater.
Ang mga gumuhong debris naman ay umabot sa layong 4,000 metro mula sa bunganga, dagdag ng PHIVOLCS
Samantala, namataan ang steam-laden plumes na umabot sa 1,000 metro mula sa summit crater habang patuloy ang pag-degas ng bulkan. Ang mga abo ay lumipad sa pangkalahatan sa kanluran.
Sinabi ng PHIVOLCS na nananatiling may bisa ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon, na nangangahulugang “kasalukuyang nasa mataas na antas ng kaguluhan at mapanganib na pagsabog sa loob ng ilang linggo o kahit na mga araw ay posible pa rin.”
Muling iginiit ng ahensya na ang anim na kilometrong radius na Permanent Danger Zone (PDZ) ay mananatiling lumikas dahil ang lugar na ito ay maaaring maapektuhan ng mga posibleng PDC, lava flows, rockfalls, at iba pang mga panganib sa bulkan.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na maging mapagbantay laban sa mga PDC, lahar, at sediment-laden streamflows sa mga channel na umaagos sa edipisyo. RNT