MANILA, Philippines- Ini-adopt ng Department of Education (DepEd) ang National Learning Recovery Program (NLRP) upang tugunan ang learning gaps sa mga estudyante dulot ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay sa DepEd Order 13 na inilabas nitong Miyerkules, layunin din ng NLRP na tugunan ang “low performance” ng learners sa international large-scale assessments at national assessments.
“The critical outcome of DepEd’s recovery plan is ensuring that learning gaps are addressed among all learners, particularly those who are the most vulnerable ones and those in situations of disadvantage,” saad sa order na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Limang subprograms sa ilalim ng NLRP ang idinisenyo upang tumulong sa pagpapalakas ng learning recover: National Learning Camp, National Reading Program, National Mathematics Program, National Science and Technology Program, at iba pang programa na ikinasa ng central office at field offices.
Batay sa DepEd, ang National Learning Camp ay boluntaryong end-of-school year break program na nilikha upang pagbutihin ang pagkatuto sa pamamagitan ng enhancement, consolidation o intervention camps sa lahat ng learning areas para sa K to 12 learners; at pag-inamin ang teacher capacity.
Isinusulong ng National Reading Program ang literacy development sa pamamagitan ng pundasyon ng reading skills development sa early grades, habang itinutulak ng National Mathematics Program ang pinabuting numeracy at mathematics learning sa lahat ng paaralan sa lahat ng grade levels.
Samantala, target naman ng National Science and Technology Program ang development ng scientific at technological literacy nng Grades 4-10 learners.
Sinabi ng DepEd na lilikha ng research agenda ang research committee nito, sa pakikipagtulungan sa research institutions, upang pag-inamin ang NLRP implementation.
Noong 2022, inamin ni Duterte na malaki ang negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa edukasyon ng mga mag-aaral na PIlipino.
Iniugnay niya ang learning losses, partikular sa mga bata, sa paglipat sa remote learning modes sa kasagsagan ng pandemya.
Binigyang-diin din ni Dutertena kailangang pigilan ang paglala ng Philippine education, sat sinabing kritikal ang sunod na dalawa hanggang tatlong taon sa reporma sa education system sa ilalim ng kanyang liderato. Noong Enero, inilunsad ng DepEd ang MATATAG agenda nito na naglalayon na magpatupad ng reporma sa curriculum, education services, at probisyon ng mga pasilidad, kapakanan ng mga mag-aaral, at teacher support programs. RNT/SA