Home OPINION LEBEL NG TUBIG NG ANGAT DAM, HUMIGIT SA TARGET GOAL!

LEBEL NG TUBIG NG ANGAT DAM, HUMIGIT SA TARGET GOAL!

Makalipas ng mahigit tatlong buwan na madalas ang pag-ulan, lumampas na sa 212 meters normal high water level (NHWL) base sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, nasa 213.01 meters ang level ng tubig sa Angat Dam nitong ika-17 ng Disyembre 2023, (6:00AM).

Hindi lang umabot, humigit pa sa inaasam na target goal na 210.00 meters, kaya isang magandang balita para sa taong 2024.
Bilang paghahanda sa panahon ng tag-init, paulit-ulit ang panawagan ng NWRB o National Water Resources Board sa publiko na umpisahan na ang pagtitipid sa paggamit ng tubig, kahit na naabot na natin ang 212 NHWL na tubig sa kasaluku­yang.

Ayon pa sa NWRB ang mga pinagkukunan ng tubig ay hindi na sapat sa lumolobong populasyon, lalo na kung sumasapit ang panahon ng tag-init, na likas namang mahabang panahon sa Pilipinas.

Prioridad ng NWRB na matustusan ang domestiko at industriyal na pangangailangan ng mga nasa Metro Manila at mga lalawigan ng Cavite at Rizal kaya palaging ang suplay ng tubig sa agrikultural na pangangailangan ang apektado na lalong nagpapahirap sa mga magsasaka. Kaya kailangan silang matuto ng mga water-saving techniques at pagtatanim ng binhi na hindi nangangailangan ng maraming tubig.

Nagbibigay rin ng tubig ang Angat dam sa pagpapatakbo ng hydroelectric power plants na nagsusuplay ng kuryente, kaya apektado rin ang suplay ng kuryente sakaling patuloy na bababa ang antas ng tubig sa dam.

Ang ‘El Niño’ ay ang hindi normal na pag-iinit ng Karagatang Pasipiko na magdudulot ng tagtuyot dahil sa malaking kabawasan ng pag-ulan mula 60 – 80 porsiyento, magreresulta ito sa kakulangan ng tubig at kakapusan ng kuryente lalo na sa Mindanao na dumedepende sa hydro-electric power plants.

Sa pagpasok ng bagong taon, ang mungkahi ng inyong       lingkod na bawasan ang paglalaan ng tubig para sa domestic consumption dahil hindi makakaapekto sa pag-supply para sa Metro Manila.

Ang hakbang na ito ay isang estratehiko upang makatipid ng tubig at mabawasan ang pagbagsak ng antas ng tubig sa Angat reservoir habang naghihintay ng patuloy ng pag-uulan sa unang quarter ng PAGASA.

Previous articleWanted na SoKor national arestado sa pambubugaw
Next articleLAMITAN CITY SECURES 6TH SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARD