Home METRO Lebel ng tubig sa Angat dam umabot sa target

Lebel ng tubig sa Angat dam umabot sa target

MANILA, Philippines- Iniulat ng East at West zone concessionaires Manila Water Co. at Maynilad Water Services, Inc. na umabot ang dam level sa Angat sa year-end goal nito.

Ayon sa pahayag nitong Lunes, naabot ng Angat Dam ang water elevation na 210.42 meters.

Ang target level ay dapat nasa pagitan ng 210 hanggang 212 meters at kailangang mapanatili hanggang sa pagtatapos ng taon.

Isa ang Angat Dam sa pinakamalalaking dam na nagsusuplay ng tubig at enerhiya sa Metro Manila.

Sakaling manatili ang level sa nasabing target, maaaring umabot ang water supply hanggang sa susunod na El NiƱo phenomenon.

Gayundin, umakyat ang water levels sa Ipo Dam at La Mesa Dam ng 0.68 meters at 0.04 meters.

Gayundin, tumaas ang lebel ng tubig sa Ipo Dam at sa La Mesa Dam.

Sinuspinde rin ng Maynilad ang ilan sa daily water service disruptions nito sa Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela hanggang sa susunod na abiso. RNT/SA

Previous articleBilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom bumaba sa 9.8% sa Q3 2023 – sarbey
Next articleHigpit-seguridad sa transport terminals ikakasa ng PNP