Home SPORTS BANNER STORY LEBRON KINUKUHA NG WARRIORS

LEBRON KINUKUHA NG WARRIORS

Nakipagnegosasyon ang Golden State Warriors sa isang deal sa Los Angeles Lakers para makuha si LeBron James sa trade deadline noong nakaraang linggo, ayon sa ulat.

Ayon sa insider, ang transaksiyon ay inilarawan niyang “lihim sa 24 oras na window” na pag-uusap ng may-ari sa may-ari, sinubukan ng Warriors na kumbinsihin ang Lakers na makipaghiwalay kay James.

Gayunpaman, kapwa ayaw ni James at ng Lakers na kagatin ang blockbuster deal para ipares ang 39-anyos na All-Star sa matagal nang karibal na si Stephen Curry, ayon sa ulat.

Hinikayat ni Warriors forward Draymond Green ang may-ari ng koponan na si Joe Lacob na makipag-ugnayan sa may-ari ng Lakers na si Jeanie Buss, ayon sa insider.

Nagkaroon ng haka-haka noong unang bahagi ng buwan na ito na si James, ang all-time leading scorer ng NBA, ay bigo sa LA at maaaring naghahanap ng mas magandang koponan.

Inihayhag ng kanyang ahente na si Rich Paul na ang mga tsismis ay hindi totoo at iginiit na  hindi nilang gustong lumipat ng koponan.

Si James ay may average na 24.8 points, 7.8 assists, at 7.2 rebounds sa 49 na pagsisimula ngayong season.

Siya ay nakatakdang magsimula sa kanyang ika-20 sunod na NBA All-Star Game sa Linggo, Pebrero 18, sa Indianapolis.

Si James ay may $51.4 million player option sa kanyang kontrata sa Lakers para sa 2024-2025 season.
Mayroon siyang hanggang Hunyo 29 para gamitin ang opsyon.JC

Previous articleLiberalization laws ‘di sapat na makahikayat ng foreign investments – solon
Next article2 tulak tiklo sa P3.4M shabu sa Cotabato