LOS ANGELES — Umiskor si Anthony Davis ng 30 puntos at 13 rebounds habang kumamada si Rui Hachimura ng walo sa kanyang 19 puntos sa huling 3:43 upang talunin ng Los Angeles Lakers, sa kabila ng kawalan ni LeBron James, ang Portland Trail Blazers, 116-110, kahapon.
Hindi naglaro si James sa unang pagkakataon ngayong season, naupo dahil sa nabugbog na kaliwang hita.
Na-injured ang nangungunang scorer sa kasaysayan ng NBA ang kanyang hita sa pagkakabangga kay Kevin Durant sa unang quarter sa Phoenix noong Sabado ng gabi.
Bagama’t bumalik si James sa larong iyon, nagpasya ang Lakers na ipahinga ang 38-anyos na bituin noong Lunes para sa kanilang mahabang laban, kabilang ang mga back-to-back na laro simula Martes ng gabi.
Hindi makalayo ang supporting cast ni James sa Portland, ngunit si Davis ang nanguna sa Lakers, umiskor ng siyam na puntos sa fourth quarter habang ang Los Angeles ay nananatili sa kanilang unang laro pabalik mula sa isang 1-3 na biyahe.
Umiskor si Cam Reddish ng 16 sa kanyang 18 points sa first half para sa Los Angeles, na humawak ng 13-point lead sa unang bahagi ng fourth quarter bago umiskor ang Portland ng 12 sunod-sunod na puntos.
Nagdagdag si Austin Reaves ng 18 puntos at si D’Angelo Russell ay may 11 puntos at 11 assist.
Umiskor si Jerami Grant ng 23 puntos at nagdagdag si Shaedon Sharpe ng 19 para sa Portland, na natalo ng tatlong sunod pagkatapos ng tatlong sunod na panalo.
Nahabol lang ng Blazers ang 104-103 may tatlong minuto ang natitira, ngunit ang Los Angeles ay gumawa ng 8-2 run bago tumama sina Hachimura at Reaves sa mga free throws sa huling segundo.
Naglaro din ang Los Angeles nang wala sina Jarred Vanderbilt at Gabe Vincent, habang ang Blazers ay wala sina Malcolm Brogdon, rookie Scott Henderson at Anfernee Simons.
Si Duop Reath, ang 27-anyos na rookie center ng Blazers, ay umiskor ng 11 puntos sa kanyang debut sa NBA.
Ang Australian na ipinanganak sa Sudan ay umiskor ng 3-pointer sa unang bahagi ng ikalawang quarter para sa kanyang unang basket, at nagtapos siya ng tatlong 3s.
Si Jamaree Bouyea ay may anim na puntos sa kanyang debut sa Blazers matapos pumirma ng two-way na kontrata kaninang araw.
Ang second-year guard mula sa University of San Francisco ay naglaro sandali para sa Miami at Washington noong nakaraang season.
Kumamada si Matisse Thybulle ng 14 puntos na may apat na 3-pointers sa unang kalahati, ngunit lumabas siya sa kalagitnaan ng ikatlong quarter at hindi na bumalik para sa Portland, na hindi nagpahayag ng pinsala.JC