Home NATIONWIDE Lecture sa dietary management sa iba’t ibang sakit idinaos sa Kamara

Lecture sa dietary management sa iba’t ibang sakit idinaos sa Kamara

MANILA, Philippines – Kumain ng mas maraming white meat, gulay at iwasan ang mga prinosesong pagkain.

Ito ang payo na ibinigay sa mga lumahok sa lecture na may temang “Dietary Management for Specific Diseases: Hypertension, Diabetes and Kidney Disease” na idinaos sa House of Representatives.

Ibinahagi ni Kathrina Leigh Sepagan, isang Registered Nutritionist-Dietician (RND), na ang mga pagkaing sagana sa mga minerals tulad ng potassium, magnesium, calcium, dietary fiber at protein ay dapat isama sa bawat diet.

Para sa mga pasyenteng may diabetes mellitus, sinabi ni Sepagan na mahalagang magkaroon ng medical nutrition therapy at iwasan ang sa self-prescribing pagdating sa food intake.

“Mas okay kung galing po sa professionals ang mga nutritional advice or dietary advice na ina-apply sa ating life. Kasi baka mamaya ‘yung mga advices na ‘yon sa ngayon wala siyang impact sa health natin pero baka in the long run pag matagal na natin siyang ina-apply dun pa lumabas ‘yung ibang sakit,” paliwanag nito.

Para naman sa mga may renal diseasem sinabi ni Cymbeline Banez, RND, MPH, isa pang resource person, ang pagbabago ng pagkain ng protein, sodium, potassium, calcium at fluids para sa mga pasyenteng may renal disease.

Inirekomenda nito ang sapat na pagkain ng may essential amino acids at calories.

Ipinaliwanag ni Banez na ang diabetes ay kilala rin bilang nangungunang dahilan ng kidney failure, at ang pagkontrol ng high blood pressure ay labis na mahalaga sa pagpapabagal ng progression nito.

Nilinaw pa nito na ang diet para sa mga pasyenteng may renal disease ay magkakaiba batay sa edad, body weight, kidney function at dialysis pattern.

Payo ni Sepagan na mahalagang magkaroon ng pisikal na aktibidad para mabawasan ang antas ng blood glucose at blood pressure, paunlarin ang blood circulation ay pagsunog ng sobrang calories sa katawan.

Ang lecture, na inorganisa ng House Medical and Dental Service (MDS), sa pakikipag-ugnayan sa Administrative Department, ay bahagi ng 2024 Happy Healthy Heart program na may temang, “Mind your heart, mind your life. Gail Mendoza

Previous articleP1.1M cash ibinalik sa pamilya ng mga nasawi sa Negros road accident
Next articleKuweba sa Negros ipasasara sa pagkasawi ng treasure hunters