Home ENTERTAINMENT Lee, ikakasal na; Pokwang, magsasampa ng kaso!

Lee, ikakasal na; Pokwang, magsasampa ng kaso!

Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Pokwang na hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo niya sa ex na si Lee O’Brian.

Ito ang dahilan kaya nakikipagsagutan pa rin siya sa bashers na ipinagtatanggol ang American actor.

Ayon sa tsika ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, hindi pa rin daw nagsusustento si Papang sa kanilang anak na si Malia.

Ito raw ang ikinumpisal sa kanya ni Pokie nang magkausap sila.

Balita raw ng komedyana ay may bago ring kinakalantare ito at abala sa kanyang pagpapakasal.

Gayunpaman, ayon daw kay Pokwang ay wala itong pakialam sa pagpapakasal ni Lee sa iba.

Hindi rin daw siya nag-aampalaya kung sakaling mangyayari ito.

Ang banta lang daw niya ay may nakahandang asunto dito na ‘violence against women and children’ kung sakaling magtatangka ito na muling magbalik sa bansa pagkatapos ng deportation order dito.

Sey pa ng TiktoClock host, nagkatotoo raw ang kanyang sapantaha na gagamitin nito ang hawak na Instagram account ng anak na si Malia para batiin ang sarili noong Father’s Day at makakuha ng simpatiya sa publiko. Archie Liao