Home ENTERTAINMENT Lee, nasa Pinas pa; Pokwang, balak magpa-Tulfo!

Lee, nasa Pinas pa; Pokwang, balak magpa-Tulfo!

Manila, Philippines – Nalamangan ba ni Lee O’Brian ang dating karelasyong si Pokwang?

The answer seems to be: looks like, Lee pulled one over the comedienne!

Natuklasan kasi ng komedyana na narito pa pala sa bansa ang dating Amerikanong live-in partner.

Matatandaang noong December 2023 ay ipinag-utos ng Bureau of Immigration ang pagpapa-deport kay Lee.

Ang reklamo’y nagmula mismo kay Pokwang.

Napag-alamang may ilang batas ang nilabag ni Lee.

Labis na ikinagulat ni Pokwang that her former live-in partner and father of their child Malia is still in the country.

Pokwang got wind na: “May padrino raw, eh!”

Dahil dito’y nagbanta ang komedyante ng kanyang susunod na hakbang.

Aniya: “Humanda siya…baka ipa-Tulfo ko na siya!”

Ang Tulfo na tinutukoy ni Pokwang ay si Senator Raffy Tulfo na kilala sa kanyang public service program sa radyo at TV.

Naka-relate naman ang ilang netizens sa kalagayan ni Pokwang.

Ang iba’y nag-aalala na baka raw maapektuhan ang kanyang kalusugan o mental health.

Aniya: “Yun nga ang gustung-gustong mangyari ni Lee, na magkasakit ako para mapunta si Malia sa kanya!”

Pero titiyakin daw ng komedyante na hinding-hindi mangyayari ‘yon.

“Kung ‘yun ang iniisip ni Lee, puwes, nagkakamali siya!

“Ipaglalaban ko si Malia nang patayan kahit saan kami makarating!”

So, kailan niya balak tigilan si Lee?

Sagot ni Pokwang sa nagtanong sa Instagram: “Kapag wala na siya sa lupa!” Ronnie Carrasco III

Previous articleHalos 800 LGUs gumagamit na ng electronic system sa pagbibigay ng business permits – DILG
Next articleBato sa Pinoy supporters ng ICC probe: ‘They do not love this country’