Home NATIONWIDE Legacy Award of Excellence iginawad kay Bong Go

Legacy Award of Excellence iginawad kay Bong Go

MANILA, Philippines – Binigyan si Senator Christopher “Bong” Go ng Legacy Award of Excellence in Public Service sa Philippine Legacy Gala 2023 Awarding Ceremonies noong Lunes, Nobyembre 27, sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City, Manila.

Ang Legacy Award of Excellence in Public Service ay isang patunay na hindi masusukat ang kontribusyon ni Go upang tulungan ang mahihirap na Pilipino, partikular ang pagsusulong ng maayos na access sa pangangalagang pangkalusugan, tulad ng programang Malasakit Centers.

Lubos na pinasalamatan ni Go ang pagkilala sa kanyang ito at muling idiniin ang kanyang pangako na tutulungan ang mahihirap at susuportahan ang patuloy na operasyon ng Malasakit Centers program.

“With or without an award or recognition, I will continue to serve my fellow Filipinos. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya lalo na sa mga mahihirap nating kababayan. Tulad ng inyong organisasyon, sama-sama nating ipagpatuloy ang pagseserbisyo at pagmamalasakit sa ating kapwa na nangangailangan,” pahayag ng senador.

Tagapangulo ng Senate committee on health and demography, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagbibigay-prayoridad sa health initiatives na nag-aangat sa kapakanan ng Pilipino.
“First and foremost, I would like to thank the Philippine Missionari Della Fondazione di Carita, Inc., (Philmissionari) for recognizing our achievements with the Legacy Award of Excellence in Public Service. This honor is not just for me but for all those who tirelessly work for the betterment of our nation,” ani Go.

“The Malasakit Center Program, which we spearheaded, is not just a program but a commitment that we will not neglect anyone, especially those in need. For every Filipino helped by this program, there is a story of hope and resilience that we should be proud of,” patuloy niya.

Ang Malasakit Centers program na ideya ni Go ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act 11463, upang ang mahihirap na pasyente ay madaling makakuha ng tulong-medikal mula sa gobyerno.

Sa ngayon ay mayroon nang 159 Malasakit Centers na matagumpay na nakatulong sa mahigit sampung milyong pasyente sa buong bansa.

“Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa paghubog ng ating lipunan. Sa bawat maliit na hakbang, makagagawa tayo ng mas malaking pagbabago. Maraming salamat po,” pagtatapos ng senador. RNT

Previous articleKelot pinatay sa utang
Next articleDigital TIN ID available na – BIR