Home HOME BANNER STORY Legal action vs ex-PRRD sa pagbabanta sa solon, susuportahan ng Kamara

Legal action vs ex-PRRD sa pagbabanta sa solon, susuportahan ng Kamara

MANILA, Philippines – Susuporta ang Kamara sa anumang legal na aksyon na ihahain laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte makaraang magbanta ito sa isang mambabatas ng oposisyon, sinabi ni Majority leader Manuel Dalipe.

“I think the House will be united to stop all of these statements that are not really needed to be issued by any person,” pagbabahagi ni Dalipe sa panayam ng CNN Philippines nitong Miyerkules, Oktubre 18.

Sa panayam sa telebisyon noong nakaraang linggo, matatandaang idinipensa ni Duterte ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na humihiling ng confidential fund na P500 milyon para sa Office of the Vice President at ₱150 million para sa Department of Education.

Anang dating Pangulo, ang dapat na unang target ng naturang pondo ay si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at kabuuan ng Makabayan bloc.

“Pero, ang una mong target sa intelligence fund mo, kayo, ikaw France, kayong mga komunista ang gusto kong patayin,” dagdag ni Duterte.

Ani Dalipe, siniseryoso ng Kamara ang anumang banta laban sa mga mambabatas.

“Parang pumupunta ka sa airport tapos sasabihin mo may dala-dala kang bomba na it’s just a joke so the House takes that threat seriously,” dagdag niya.

Ayon sa Makabayan bloc, ikinokonsidera nila ang legal na hakbang laban kay Duterte.

Sinabi naman ni National Union of Peoples’ Lawyers Secretary General Kristina Conti na si Duterte ay dapat na panagutin dahil ang pahayag niyang ito ay, “comes with the context that he is personally capable and willing to see these kinds of threats through.”

Dismayado naman ang lider ng Kamara sa pag-aakusa ni Duterte laban sa Mababang Kapulungan ng korapsyon, at tinawag pang “most rotten institution” sa bansa.

“We really felt bad considering that a lot of us supported him during the 18th Congress, 17th Congress when he wanted our support for his legislative agenda, we were there for him during the COVID pandemic when he needed funds,” dagdag ni Dalipe. RNT/JGC

Previous articleAnak ni Snooky at Ricardo, pinagtanggol ang ama sa bashers!
Next articlePaggamit ng organic fertilizer, isinusulong ni Villar