Home ENTERTAINMENT Legit Bulaga, title na bet ni Allan K!

Legit Bulaga, title na bet ni Allan K!

Manila, Philippines – Isa pala si Allan K sa nagkaroon ng “double your price” offer mula sa mga bagong namumuno ng kinalasang Tape, Inc. na producer ng Eat Bulaga.

The two others were Jose Manealo and Wally Bayola.

Biro nga ni Jose, inalok daw ng dobleng TF ang “JoWaMao.”

Mao? Eh, mas kilala sila sa tawag na JoWaPao which stands for Jose, Wally and Paolo Ballesteros.

Ang tinutukoy palang “Mao” ay si Allan K, short for Mamao!

Pero sa sumunod daw nilang pag-uusap ng Tape, Inc., the same offer was made to Paolo and Maine Mendoza.

When told about the “double your price” offer, humingi raw ng palugit si Allan K na kung maaari’y pag-aaralan muna niya ito.

Hindi raw niya isinekreto sa TVJ at sa iba pang Dabarkads ang alok na ‘yon dahil: “Hindi kami traydor, ‘no!”

Samantala, at presstime ay inilalaban pa rin ng TVJ ang program title na Eat Bulaga.

As Tito Sotto clearly puts it: “Eat Bulaga is TVJ and TVJ is Eat Bulaga!”

Pero kung si Allan K ang tatanungin, mas gusto niyang tawagin ang kanilang programa bilang Legit Bulaga.

Katunog pa rin daw ng salitang Eat ang Legit.

And speaking of authenticity, para naman kay Joey de Leon, ang ibig sabihin ng E.A.T. ay Eto Ang Totoo.

Para rin sa binansagang Master Henyo, may ibig sabihin ang bawat letra sa salitang LEGIT.

L for Loyalty, E for Empathy, G for Gratitude, I for Integrity and T for Trust.

At para maresolba raw ang problema sa program title, may suggestion si Joey.

Bawat araw daw ay may iba’t iba itong pamagat as in: “Our title for today is…”

Parang lesson lang sa klase ang peg! Ronnie Carrasco III

Previous articleBubble Gang, ililipat ng araw, may masisibak!
Next articleMeta kakastiguhin ng Malaysia sa ‘di inalis na ‘harmful content’