MANILA, Philippines – Nag-viral sa social media ang mga street children mula sa Sampaloc,Maynila na namamalimos gamit ang QR code.
Sa ulat, sinabi ng isang netizen na si Angelo Gabriel Fuentebella na wala silang barya nang biglang naglabas ng QR code ang mga bata .
Natawa pa aniya sila at nang i-tsek kung totoo ang QR, dito nila napansin na nakalagay ang ‘Beverly’.
“Laging akong naaawa kaya nagbibigay. Hindi ko na naiisip na hindi pala sa kanila mapupunta ganun. Minsan naman pagkain binibigay ko kung meron ako,” ayon sa netizen.
Gayunman, nagbabala ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) na bahagi ito ng schemes o sindikato.
“Merong mga sindikato na nasa likod ng mga ganito merong mga instances noon na hinahatid ito ng van sa umaga pinipick up sa gabi,” sabi ni NAPC vice chairperson Reynaldo Tamayo Jr. .
May multa na P500 at pagkakakulong ng hindi hihigit sa dalawang taon para sa mga magulang ng mga bata na humihingi ng pera. Jocelyn Tabangcura-Domenden