Home HOME BANNER STORY Level-up sa technique ng text scammers, ibinabala ng DICT

Level-up sa technique ng text scammers, ibinabala ng DICT

510
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan Uy sa publiko laban sa mga text scammer.

Ani Uy, nakare-programmed ang approach na ang mga scammer sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe para makuha ang personal information online ng kanilang target.

“So, dumami na naman iyong mga text scams, and – but most of them now have redirected … or re-program their approach, panloloko nila asking people ‘nag register na ba kayo ng SIM card ninyo kung hindi pa click this link and you go to their site, which is a fake site’,”  ayon kay Uy sa press briefing sa Malakanyang.

Aniya, kagyat na nakukuha ng text scammers ang datos ng subscribers kapag naibigay ng mga ito ang kanilang impormasyon sa ibinigay na pekeng link.

“They also have exploited that in would respect to e-wallets, na for purportedly you will receive a text coming from e-wallet provider na ‘o kung nag-reregister na kayo ng SIM card kailangang mag re-register kayo sa e-wallet ninyo in order to be able to activate it’,” dagdag na wika nito.

Winika pa ni Uy na ang  subscribers “could fall prey to scammers once a SIM card is registered since there is no need for the user to have it registered for their e-wallet accounts or similar accounts.”

“Do not fall for those scams,” diing pahayag ni Uy.

Umaasa naman aniya ang pamahalaan na ang lahat ng Filipino subscribers ay kaagad na iparerehistro ang kanilang  SIM cards  sa ilalim ng SIM Card Registration Law para matuldukan ang pamamaraan ng panloloko sa mga tao sa pamamagitan ng text messages.

Nanindigan naman ang DICT official na wala nang ekstensyon ang July 26 deadline para sa  SIM card registration.

Samantala, makikita sa record ng DICT na mayroong mahigit na limang milyong subscribers ang nakapagparehistro na ang kanilang SIM cards hanggang nitong Mayo 10.

Sinabi ni  Uy na inaasahan na nilang matatamo ang kanilang target sa susunod na mga buwan bago ang deadline. Kris Jose

Previous articleBeks Battalion, pina-iyak sina Zebby at Donnalyn!
Next articleMalampaya Consortium, nangako ng $600M sa exploration, drilling – DOE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here