Home NATIONWIDE LGBTQ+ community sinaluduhan ng Malakanyang

LGBTQ+ community sinaluduhan ng Malakanyang

MANILA, Philippiens – NAKIISA ang Malakanyang sa sambayanang filipino lalo na sa LGBTQ+ community sa pagdiriwang ng Pride Month.

Pinuri ng Pangulo ang LGBTQ+ community para sa kanilang epekto at kontribusyon sa lipunan.

Ipinahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa pamamagitan ng makailang ulit na Facebook posts na ginawa ng Office of the President (OP) at Presidential Communications Office (PCO).

“The Office of the President stands united with the global community in building a world that embraces inclusivity and celebrates love,” President Ferdinand “Bongbong” ayon kay Pangulong Marcos.

“This Pride Month, we honor the impact and enriching perspectives of the LGBTQ+ community and remain in our commitment to #ServeWithPride,” ayon sa kalatas ng PCO.

Samantala, sinabi naman ni PCO Secretary Cheloy Garafil na kaisa ang kanyang tanggapan ng bansa na nagsusulong para sa pagkakaisa, paggalang at pantay na oportunidad para sa lahat.

“Ipagdiwang natin ang mga kontribusyon ng LGBTQ+ community and let’s continue to serve with pride!” ayon sa PCO. Kris Jose

Previous articlePBBM umaasa sa mas malakas na ugnayan ng Pinas at Tsina
Next article1st security advisors talks ikakasa ng PH, Japan, US