Home ENTERTAINMENT LGBTQA+ suportado ang pelikula ni Christian!

LGBTQA+ suportado ang pelikula ni Christian!

Manila, Philippines- As expected, punum-puno ang Cinema 6 sa Gateway Mall sa naganap na red carpet screening para sa pelikulang Brokenhearts Trip.

Very obvious na majority sa mga nanood ay members ng LGBTQA+ community.

Fact is, every time na may panalong eksena ang nasabing pelikula ay hindi mapigilan na hindi mag-react ang mga moviegoers.

“I’m very thankful sa support na binibigay ng LGBTQA+ community sa movie namin at talaga namanv nakaka-proud dahil sinugod nila ang Gateway mall para sa red carpet premiere ng movie.

“We hope and pray na sana ay magtuloy-tuloy ang support na ‘yan hanggang sa showing ng movie sa December 25,” pakiusap pa ni Christian Bables, ang bida sa movie.

Binanggit din ni Christian na kahit pang-beki ang movie ay pwede rin naman ito sa straight dahil tungkol din naman ito sa mga challenges na kinakaharap ng mga nilalang na broken hearted.

Present naman ang lahat ng cast sa red carpet lremiere gaya nina Perite at Iyah Mina.

Full support din ang ibinigay ng first time producer na si Benjie Cabrera na umuwi pa sa Pilipinas dahil naka-base siya sa Amerika.

Ang Brokenhearts Trip ay isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na ipalalabas na sa December 25. JP Ignacio

Previous articleSinigang swak sa 100 Best Dishes in the World ng TasteAtlas
Next articleCSC may paalala sa civil servants ngayong holiday season