MANILA, Philippines – Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga local official na mahaharap sa kaso kung makikialam sila sa issuance ng show cause orders at pagtanggal ng illegal campaign materials para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakatanggap sila ng ulat sa kanilang mga local offices na may mga local officials sa Bulacan, Laguna at Surigao ang nagbanta laban sa mga tauhan ng komisyon.
Pinayuhan ni Garcia ang local Comelec na balewalain ang banta at ipagpatuloy ang kanilang trabaho.
Babala ni Garcia sa mga lokal na opisyal , hinding-hindi magdadalawang isip ang poll body na sila ay balikan ng kaso.
Kung hindi man aniya sa Omnibus Election Code, mayroong RA 6713 ,Ethical Standards for Government Officials and Employees na maaring i-file sa Ombudsman.
Giit ni Garcia, pag ginagamit na ang kapanyarihan para lamang takutin ang ibang ahensya ng pamahalaan, ito ay isang pag-abuso.
Nitong Setyembre 18,2023, ang Comelec ay nakapaglabas na ng 896 show cause orders sa mga kandidato na may illegal campaign materials. Jocelyn Tabangcura-Domenden