Home NATIONWIDE LGUs pinakikilos para sa flagship housing program ng Marcos admin

LGUs pinakikilos para sa flagship housing program ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na tukuyin ang mga pamilyang informal settler sa kani-kanilang mga lugar na target gawing benepisyaryo ng flagship housing program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Inilunsad noong Setyembre 2022, ang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program “aims to build one million housing units annually until 2028 to address the country’s 6.5 million housing backlog.”

Sa kanilang unang Metro Manila Council (MMC) meeting ngayong taon, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na tinutukoy na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at iba pang government agencies ang mga lupaing gagawing “staging areas” upang maiwasan ang displacement ng mga pamilya sa “transition period.”

Magsisilbing pansamantalang matutuluyan ng napiling informal settler families ang staging areas habang itinatayo ang housing units.

“Kapalit ng konting discomfort sa isa or dalawang taon ay isang bahay na talagang matatawag niyong inyo at meron ding titulo,” wika ni Abalos.

Sa Metro Manila pa lamang, 170,000 housing units na saklaw ng 55 proyekto ang inaasahang itatayo, ayon kay Abalos.

“Ang isang panaginip ng bawat Pilipino ay isang bahay. Now, we have the President’s flagship housing program. Hindi ba’t maganda na dito sa kalakhang Maynila, may pabahay din tayo?” aniya.

Anang housing department, nilalayon nitong makagawa ng 1 milyong housing units kada taon hanggang sa pagtatapos ng termino ni Marcos sa 2028 upang tugunan ang housing backlog ng bansa.

Noong April 2023, sinabi ng Pangulo na kasalukuyang itinatayo ng pamahalaan ang 1.2 milyong housing units. RNT/SA

Previous articlePH gov’t naghahanap ng local jeep manufacturers para sa PUV modernization program
Next articleJak, pinupulutan ng mga haters!