Home ENTERTAINMENT Lianne, aminadong pinagpalit ng ex sa iba!

Lianne, aminadong pinagpalit ng ex sa iba!

Manila, Philippines- Kinainisan noon ang karakter ni Lianne Valentin sa mga seryeng Apoy sa Langit at Royal Blood.

Agaw-pansin din ang latest participation niya sa seryeng Lovers/Liars.

Sa pelikula naman, napansin ang kanyang acting sa Cinemalaya movie na ML.

After ML, muli siyang mapapanood sa pelikulang Apo Hapon: A Love Story, kung saan ginagampanan niya ang third wheel sa pag-iibigan nina JC de Vera at Japanese actress na si Sakura Akiyoshi.

Ani Lianne, hindi naman isyu sa kanya kung nalilinya siya sa kontrabida roles.

Gayunpaman, open din daw naman siya sa mga roles na inaapi o kinakawawa.

“Ako naman po, nagpapasalamat po ako sa Sparkle, of course, sa GMA, na binibigyan nila ako ng mga ganitong opportunity, and I’m very happy with my role right now as kontrabida. “Pero of course, hindi ko po kinu-close yung doors. I really wanna be challenged pa, and I really wanna try different roles,” aniya.

“So, kung bibigyan po ako ng role na ako yung inaapi, ako yung kawawa, fully accepted po. Kasi gusto ko nga ng challenge, and gusto ko ma-experience yung iba’t ibang role na I think yun yung makakatulong sa akin for me to grow pa as an actress,” dugtong niya.

Hindi rin daw siya makapaniwala na makakasama niya si JC na dati na niyang nakatrabaho noong child star pa siya ten years ago.

“Actually, nakakatuwa nga kasi nakatrabaho ko na siya noon when I was still a child star, 10 years ago. Tapos, ang role pa namin, mag-ex. O di ba, how ironic?” lahad niya.

Hirit pa niya, sa tunay na buhay ay di pa niya naranasang maging third party sa isang relasyon.

Gayunpaman, na-experience na raw niya ang maipagpalit sa iba.

“It’s part of growing up. Ang importante, may mga natututunan tayo sa bawat experience na nararanasan natin,” paliwanag niya.

Pagkatapos maka-work ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa seryeng Royal Blood, bet daw naman niyang makatrabaho si Dennis Trillo na isa sa kanyang mga showbiz crushes.

Sey pa niya, okey lang daw sa kanya ang sexy roles pero di raw niya kaya ang paghuhubad for now.

Malaki rin daw ang paghanga niya sa mga gumagawa ng Girl Love o Boy Love series pero sa palagay niya ay hindi pa rin siya handa sa ganitong klase ng genre. Archie Liao

Previous articlePNP sa gun owners: Baril iparehistro para iwas-kalaboso
Next articleKagawad timbog sa buy-bust!