Home NATIONWIDE Liberalization laws ‘di sapat na makahikayat ng foreign investments – solon

Liberalization laws ‘di sapat na makahikayat ng foreign investments – solon

MANILA, Philippines – Hindi sapat ang ipinasang liberalization laws ng Kongreso para makahikayat ng foreign investments, ayon kay Palawan Representative Jose Alvarez.

Ani Alvarez, ang foreign ownership restrictions ng Konstitusyon ay nagdulot na ng kawalan ng gana sa foreign investors, sa kabila ng pagpasa sa mga amyenda sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investment Act.

“Yung mga napasang batas, opening-up the economy, hindi pa sapat,” anang mambabatas.

Sinabi rin ni Alvarez na sinabi sa kanya ng Korean ambassador to Manila na sa 343 Korean investors, tatlo lamang ang nagdesisyon na magnegosyo sa Pilipinas at ang 340 ay nagtungo sa Vietnam.

Samantala, sinabi rin naman ni Rep. Teodorico Haresco Jr. of Aklan, na ilang beses nang nagpalit ng Konstitusyon ang Indonesia, Vietnam, Malaysia at Thailand para makahikayat ng foreign capital.

“They changed their Constitution to reflect the global changing world. We base our assumption that if we open up the discussion on the Constitution, we’d break up our society. That is completely untrue,” ayon kay Haresco.

Iginiit ni Haresco ang pangangailangan na buksan ang Konstitusyon para suriin at masiguro na hindi magiging kulelat ang Pilipinas sa Asya.

Aniya, ang Kamara ay bukas sa “healthy discussions” kasama ang mga mambabatas sa mataas na kapulungan kaugnay sa pag-amyenda ng Konstitusyon. RNT/JGC

Previous articleComelec naglabas ng form sa pagbawi ng lagda sa peoples’ initiative
Next articleLEBRON KINUKUHA NG WARRIORS