Home NATIONWIDE Libreng kolehiyo, humataw sa 4 na bagong batas – Escudero

Libreng kolehiyo, humataw sa 4 na bagong batas – Escudero

MANILA, Philippines – Tuluyan nang humataw ang libreng kolehiyo para sa “deserving Filipinos” matapos ganap na lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang apat na education laws na magpapatingkad sa higher learning, ayon kay Senador Chiz Escudero.

Kabilang sa naging batas ang paglikha ng bagong medical school sa Northern Luzon na magpapasigla sa sektor ng kalusugan upang punan ang kakapusan ng health care professionals sa bansa.

“I thank President Marcos for his expeditious action on our bills. Malaking bagay ang mga bagong batas na naipasa upang patuloy natin na mapalakas ang sistema ng edukasyon sa bansa,” ayon kay Escudero, chairman ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education.

Kabilang sa naging ganap na batas ang apat na state-run higher educational institutions, ang Pampanga State Agricultural University (PSAU), Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU), Polytechnic University of the Philippines (PUP), at Bulacan State University (BulSu).

“Under Republic Act (RA) 11978 the DMMMSU is now allowed to establish a College of Medicine at the university’s La Union Campus in the municipality of Agoo. It will primarily offer a Doctor of Medicine program, including an Integrated Liberal Arts and Medicine Program,” ayon kay Escudero, may-akda ng batas.

Sinabi ni Escudero na kabilang sa programa ang basic science at clinical courses na gumagamit ng learner-centered, competency-based and community-oriented approach upang makalikha ng “a corps of professional physicians to strengthen the healthcare system of the country.”

“RA 11977 established the PSAU Campus in the town of Floridablanca, with a mandate to offer short-term, technical-vocational, undergraduate and graduate courses while RA 11979 converted the PUP campus in Parañaque City into a regular campus that will offer short-term, technical-vocational, undergraduate and graduate courses within its areas of competency and specialization,” ayon pa sa senador.

Parehong pamumunuan ang PUP Parañaque City Campus at PSAU Floridablanca Campus ng isang administrator na itatalaga ng kani-kanilang board of regents.

Samantala, binago naman ng RA 11980 ang university charter ng BulSu upang palawakin ang inihahandog na kurso ng pamantasan at komposisyon at kapangyarihahng governing board at humikayat ng specialization ng kanilang constituent units. Ernie Reyes

Previous articleHigit 100 pasahero nailigtas sa nasiraang barko sa Surigao
Next article2 patay sa treasure hunting