Libreng matutuluyan, pagkain para sa Las Piñas General Hospital workers, ibinigay ni Villar

Libreng matutuluyan, pagkain para sa Las Piñas General Hospital workers, ibinigay ni Villar

March 26, 2020 @ 10:28 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nakikiisa si Senator Cynthia Villar sa pagsisikap ng buong bansa na makapagbigay ng kailangang suporta sa paglaban ng bansa sa coronavirus disease o COVID-19 kung saan ay ipinagamit niya sa mga health workers ng Las Piñas General Hospital (LPGH)  ang tatlong palapag na gusali na ipinagawa ng kanyang pamilya bilang para pansamantalang matuluyan.

 

Sasagutin din ng Villar family ang pang-araw araw na pagkain ng Las Pinas General Hospital Staff.

 

Ang nasabing mga gusali ay isa sa dalawang gusali ng Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center at mga gusali ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) at Provincial Board Members’ League (PBML) na nasa Barangay Ilaya, Las Pinas City.

 

“We are sharing the rooms and facilities of the said buildings to the Las Piñas General Hospital to provide their healthcare workers with a convenient temporary accommodation, so they don’t have to commute daily. The hospital can also use it to complement their existing facilities to better cope with the demand for beds and rooms,” ayon kay Villar.

 

 

Ang Las Pinas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Barangay Ilaya ay may 2- storey building para sa mga babae at 86-patient capacity at 3-storey building para sa mga lalaki na may 158-patient capacity.

 

Sinabi ni Villar na pagsasama-samahin sa isang gusali ang drug rehab patients sa sandaling kailanganin ang isa pang gusali.

 

“The number of Covid-19 patients are increasing as testing becomes readily available and hospitals are running out of space, the three buildings combined can help LPGH handle more patients and provide accommodation for their healthcare staff too,” added Villar.

 

Iginiit ni Villar na kailangan sa kasalukuyang krisis ang pagkakaisa at “bayanihan” ng mga Filipino.

 

Sinabi pa niya: “The end of this coronavirus crisis could be longer than everyone expected. We have to remain calm, follow the orders of the authorities for everyone’s sake, help in whatever way we can and set aside personal or political differences. We just have to remember that we are all in this together and we will overcome this as one.”

 

Nauna nang nag-donate ng Villar family ng disinfecting apparatus, face masks at drinking water sa government hospitals.

 

Ibinigay ang first batch ng disinfecting apparatus sa siyam na government hospitals at 200,000 face masks at supply ng bottled drinking water sa Department of Health (DOH).

 

Nagbibigay din si Senator Villar ng pagkain at drinking water sa mga barangay sa Las Pinas at Cavite. Cesar Morale

Share

Leave a Reply

Loading...