Home NATIONWIDE Libreng medical mission sa babaeng PDLs isinagawa ng DOJ

Libreng medical mission sa babaeng PDLs isinagawa ng DOJ

Nagsagawa ng medical mission ang Department of Justice (DOJ) kasama ang ibang organisasyon sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Naglaan ang DOJ ng libreng konsultasyon, screenings at libreng examinasyon mula sa mga medical professionals.

“This initiative goes beyond just providing healthcare; it promotes and restores the dignity of women behind bars. Justice can be delivered in the health and well-being of those in the walls of prison, as well,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Samantala, binigyan-diin ni Dr. Arnold Abalos, kinatawan ni Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos, ang lahat ay may karapatan na magbigyan ng maaasahan at libreng healthcare.

Pinasalamatan ni Abalos ang DOJ sa hakbangin nito na matugunan ang pangangailangan ng mga kababaihan na PDL sa Correctional.

Inihayag naman ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez na naniniwala ang kagawaran na ang bawat PDL ay may karapatan sa makataong pagtrato at serbisyo.

“They are entitled to humane treatment and services with which they can reform and rejoin our communities as productive members.” Teresa Tavares

Previous articleSC: MMDA may ekslusibong kapangyarihan sa traffic rules sa NCR
Next articleOFW at migrant rights advocate nagkilos-protesta sa DMW