Home HOME BANNER STORY Libreng Overseas Employment Certificates para sa OFWs, itinutulak ni PBBM

Libreng Overseas Employment Certificates para sa OFWs, itinutulak ni PBBM

246
0

MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing libre para sa Overseas Filipino worker (OFW) ng aplikasyon para sa Overseas Employment Certificate (OEC).

Inatasan Pangulong Marcos ang Department of Migrant Workers (DMW) na isulong ang posibilidad na gawing libre ang aplikasyon para sa OEC.

Nakipagpulong ang Pangulo ayon sa Presidential Communications Office (PCO)  sa DMW, Bureau of Immigration (BI) at Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Palasyo ukol sa bagay na ito.

Sa nasabing miting, iprinesenta ng DMW ang DMW Mobile App  na naglalayon “to make an overseas Filipino worker’s (OFW) journey easier.”

Ang app ay naglalaman ng OFW Pass, isang digital at secure version ng OEC na nagsisilbi bilang digital identity ng manggagawa.

Matapos ang dalawa hanggang tatlong buwan na transition period simula nang gumana ito, tuluyan nang papalitan ng OFW Pass ang OEC.

Malaki naman ang pagkakaiba ng OFW Pass at OEC.

Ang  OFW Pass ay isang “QR-code generated and can be acquired only through the app, while the OEC requires onsite processing with a PHP100 charge.” Balido ito hanggang mag-expire na ang work contract ng OFW habang ang OEC ay nagtatagal lamang ng 60 araw.

Ang maaari  lamang na makapag-avail ng OFW Pass ay first-time OFWs; returning OFWs o iyong mga nagbabakasyon sa Pilipinas subalit babalik sa parehong employer; at OFWs na lumipat sa  ibang employer o ang kontrata ay kailangang irehistro at iberipika ng Office of the Labor Attaché.

Matatandaan na sa inaugural State of the Nation Address ng Pangulo noong nakaaraang taon, inatasan nito ang DMW at  DICT na i-automate ang beripikasyon ng mga kontrata at kagyat na magpalabas ng OECs na maaaring ilagay sa smartphones.

Sa kabilang dako, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na welcome kay Pangulong Marcos ang development ng mobile application dahil sa pagiging simple subalit epektibong digital solution sa problema sa OEC  na naeengkwentro ng mga OFW kapag naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

“The mobile application is for free as the government’s way of honoring the country’s “modern-day heroes,” ani Ople.

“His mandate was to make sure that our OFWs will not pay when using the app and when they download the OFW Pass,” dagdag na wika niya.

Samantala, hinihintay naman ng DMW ang approval ng DICT ngayong linggo, para sa opisyal ng paglulunsad ng DMW Mobile App upang tiyakin ang cybersecurity features nito.

“To disseminate the app, the DMW established the OFW Pass Teacher, a volunteer system where registered OFWs will be given relevant materials to teach other OFWs how to utilize it,” ayon sa ulat.

Inaasahan din ng ahensiya na isasama ang mobile app nito sa  BI’s eTravel at e-Gate systems at sa kalaunan ay ili-link sa eGov PH Super App ng DICT.

Kapwa naman inaprubahan ng Google Play at Apple App Store ang app para i-download. Kris Jose

Previous article56 firetrucks ibinigay ng DILG sa BFP
Next article1,382 bagong Omicron sub-variant cases, naitala sa Pinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here