MANILA, Philippines- Nakatakdang mag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 900 sasakyan para sa “Libreng Sakay” program nito para sa Metro Manila commuters na apektado ng nakaambang three-day nationwide transport strike.
Bukod sa mga sasakyan, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na mahigit 9,000 kapulisan ang ipakakalat sa matataong lugar sa buong bansa.
“[There will be] 924 police vehicles and 9,300 plus PNP personnel will be deployed nationwide for the transport strike,” ayon kay Fajardo.
Kabilang sa nasabing deployment ang 25 sasakyan mula sa Quezon City Police District na ipakakalat sa strategic points sa mga saklaw nitong lugar.
Magpapadala rin umano ito ng mga tauhan para magsagawa ng foot, mobile, at motorcycle patrols at maglagay ng checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng ilegal na aktibidad sa kasagsagan ng kilos-protesta. RNT/SA