Home METRO ‘Libreng Sakay’ pagugulungin ng Manila LGU para sa nationwide transport strike sa...

‘Libreng Sakay’ pagugulungin ng Manila LGU para sa nationwide transport strike sa Jan. 16 

Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Linggo na magtatalaga ito ng mga sasakyan para sa “Libreng Sakay” nito sa nationwide transport strike simula sa Jan. 16. 

Inanunsyo ni Manibela President Mar Valbuena nitong Linggo ang transport strike, kung saan inilarawan niya ang pinakamalaking kilos-protesta upang ipanawagang itigil ang implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at pagbabalik ng kinanselang prangkisa ng jeepney operators.

Ikakasa ang welga mula Quezon City patungong Mendiola sa Manila, kung saan halos 15,000 inibidwal ang inaasahang makikilahok.

Sinigurado naman ng city government sa publiko na handa itong mag-deploy ng mga sasakyan at asistihan ang mga mananakay sa lungsod na maaapektuhan ng aktibidad.

Sinabi rin ng Manila Police District (MPD) na laging handang umasisti ang MPD vehicles sa stranded commuters. RNT/SA

Previous articleShear line magpapaulan sa VisMin
Next articleKaso ng gastroenteritis cases sa Baguio City lampas 3,000 na!