Home METRO Libreng sakay sa LRT2, MRT3 gumulong

Libreng sakay sa LRT2, MRT3 gumulong

MANILA, Philippines- Umarangkada ang libreng sakay ang Metro rail Transit Line 3 (MRT3) ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ngayong Miyerkules, Pebrero 7, para sa selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Department of Health (DOH).

Sinabi ng DOTr na ang libreng sakay ay bukas mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Nagbabala naman ang DOTr sa publiko kaugnay ng “12-month free subway rides card” na inaalok sa social media na ito ay scam.

Ayon sa DOTr, peke ang iniaalok na rides mula sa unofficial social media accounts.

Pinayuhan din ang publiko na sumangguni lamang sa mga opsiyal na kinikilalang communication channels kabilang ang mga na-verify na social media accounts at mga opisyal na website nito.

Binigyan-diin ng ahensya na ang “Manila Metro” Facebook page ay hindi official account ng DOTr o anumang attached agencies nito at hindi kinakatawan ng may-ari ng Beep cards AF Payments Inc. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRegionalization sagot sa overcrowding sa NBP – Catapang
Next articleMindanao Railway Project umarangkada na kahit hinahanapan pa ng pondo