Home NATIONWIDE Libreng serbisyong ligal tampok sa Independence Day event sa Rizal Park

Libreng serbisyong ligal tampok sa Independence Day event sa Rizal Park

MANILA, Philippines – Nagkakaloob ng libreng legal services at assistance ang Department of Justice (DOJ) at mga attached agencies nito para sa mga walk-in clients sa  Rizal Park mula ngayong araw, June 10 hanggang June 11, 2024 kasabay ng paggunita ng ika-126 Araw ng Kalayaan.

Pinangungunahan ng DOJ Action Center at Public Attorney’s Office ang pagkakaloob ng serbisyong ligal.

Naroon din ang Board of Claims upang tulungan ang maghahain ng compensation applications at mga katanungan habang handa naman ang National Bureau of Investigation na iproseso ang clearance application at ang Bureau of Immigration ay aasiste para sa tourist visa applications.

Iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nananatiling kaisa ang DOJ remains sa administrasyon para sa mas magandang kinabukasan.

 

Kabilang ang DOJ sa 50 government agencies na kalahok sa dalawang araw na Independence Day event sa Rizal Park na may temang “Pampamahalaang Programa at Serbisyo”. Teresa Tavares